342 - Ang Panginoon Ay Aking Ilaw

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Pakikisama N'ya'y gabi't araw;
Sa lungkot at sa sala S'ya'y kaligtasan;
Ano nga ang aking katatakutan?

REFRAIN

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Mga alapaap lumanbong man,
Sa langit ako lagi nang tatanaw,
Na do'n naghahari S'yang walang hanggan

REFRAIN

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

Ang Panginoon lakas ko't ilaw,
Sa Kanya ako'y magtatagumpay;
Kahinaan ko'y Kanyang tinatakpan,
At sa paglakad inaalalayan.

REFRAIN

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

Ang Panginoon ay akig ilaw,
s'ya ang lahat-lahat sa 'king buhay,
Sa Kanya ay wala ngang kadiliman;
S'ya ang Manunubos ko't Haring tunay.

REFRAIN

Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T'wina ako'y pinapatnubayan.

0:00 0:00